growing up and graduating

March 19th, 2009 by portyir05-eyesjay

grabe, apat na taon na akong estududyante ng kolehiyo. ewan ko, halos lahat ng mga bagay na nangyari sa akin… super unexpected. ung tipong bahala na si batman, kung nagpaplano man, hindi sobrang absolute…

so kamusta naman ako ngaun? mukha namang ok. pagbinabalikan ko ang bagay na ginawa ko dati… wala… walang regrets… masaya ba ako ngaun? mukha naman. walang pagsisisi, walang pagdududa.

entering college ang turning point ng buhay ko… mas naging sensible, responsible at analytical ako sa mga bagay. who the hell expected me to enter UP? haha… kahit ako di pa rin makapaniwala… rubbing elbows with Philippines’ finest students and professors. ang dami kong natutunan. mas nagmature ako… lalo na sa pag-iisip. nagbago ang tingin ko sa mga tao, sa pera, sa mga pangarap at maging sa buhay. madami akong narealize, madami din akong naintindihan. madami rin akong napatunayan, hindi lang sa ibang tao, maging sa sarili ko. madami akong nakitang bagay na akala ko hindi nag-eexist… madami akong nabuo.

pakiramdam ko, i’m better… parang handa na ako sa totoong mundo after college… bring on the challenge! kayang kaya ko yan… ahaha. basta, wag lang sana ako makalimot. I shall serve the people, not systems! i got the tools, problema ko na lang kung paano ko gagamitin… well, sabi nga sa Harry Potter… “use it well”

1_613931697l.jpg

almost there…

February 25th, 2009 by portyir05-eyesjay

ka-ru-run ko lang ng data ko for my thesis… maganda naman ang kinalabasan ng regression… maraming significant na variables… hehe…

grabe ang senior year… sobrang nakakapagod… nakakastress… nakakawindang… para akong inilagay sa gitna ng kumukulong mantika. Matatapos din naman ang lahat na ito… sana… T.T

ang dami kong experiences bago gumraduate this 2009… parang andami kong naachive… hehe… pakiramdam ko tuloy andami ko ng natutunan na wala sa libro at madami akong nagawa na di kayang tumbasan ng UNO sa classcards… eto ang mga sumusunod…

-> naging representative ako ng UPLB, under the name of the BEST ECONOMIC ORGANIZATION sa CEM, the UPLB ECONOMICS SOCIETY, sa annual Inter-collegiate economics quiz contest. Nadefend naman uli ng UPLB ang pagiging over-all champion sa contest na ito… Hehe…

-> nakapagset ako ng record breaking 16 schools na nagconfirm sa ECONVERGENCE 2009! Event na spearheaded ng Education Committee. Given na four years palang ang event na ito, marami na ang schools na un… di lang 16 schools… mga bigating schools pa, including Philippine Science Main at Cagayan Valley Campus! Hehe… Successful ang event!

-> nakapagdonate ako ng dugo sa Red Cross Youth’s Bloodiest Rumble… ang saya saya kasi pakiramdam ko sobrang nakatulong ako. Nag-start na rin uli akong mag-active sa org na ito kasi sobrang natutuwa ako sa activities neto… sobrang fulfilling pag alam mong nakakatulong ka.

-> natapos ko na ang data gathering ko! ahaha… galing galing ko talaga magbalance ng time… kahit madami akong orgs, im still surviving this damn but great U.P. Experience. ahaha. Sana makagraduate pa ako ng Honor roll… ahaha… Go go go jeff! Hehe… epal ko ano? Isipin ko muna sigurong makagraduate talaga… hehe… pero kaya yan! Tamang time management lang ang kailangan!

Ang swerte swerte ko! Kasi mukhang I got the right choices! Tamang university ang pinasukan ko… tamang mga organization ang nagtrain sa akin… tamang dorm ang tinirahan ko… tamang mga kaibigan ang sinamahan ko! Sa bagay… ang economics ay art of making sound choices… ahaha! I always feel inspired! Its nice to be surrounded by intelligent, sensible and responsible people… Di ko alam kung paano sila pasasalamatan! Mukhang matatapos ko ang college life ko ng masaya! hehe! Sana matapos ko na nga! Hehe!

more than proud

January 31st, 2009 by portyir05-eyesjay

katatapos lang Eco-KNOW-mics kahapon… isa siyang national inter-collegiate quiz contest for Economics. Syempre, representative ang ECONSOC ng UPLB. at tulad last year, Overall champion na naman kami. Haha…”

Proud talaga ako sa econsoc… hindi lang  dahil sa member siya ng JPES o dahil magaling ang org na to sa debate… basta proud ako sa org na to.

In terms of activities, never ko naramdamang napagod ako… kahit yung mga pinakamabigat na trabaho… nagmumukhang magaang dahil sa members nito… isama mo pa diyan ang pagiging totoo ng bawat tao sa paligid mo…

Ewan ko, sobrang nag-grow ako sa org na to… nabalance niya ang pagiging ambitious at pagiging realistic… eto pa…bilang sa org na to ang inactive, di tulad sa iba na halos 1/4 ng members ay inactive…

Naalagaan din ng econsoc ang academic standing ko… sobrang nainspire ako sa mga matatalinong taong nakatrabaho ko sa org na ito. kahit hindi ako “laude” standing… masasabi kong mas magaling ako magbalance ng acads at trabaho sa ibang estudyante.

ewan ko ba kung bakit ako nakapgsulat ng ganitong blog… siguro may mga bagay lang talaga akong naiisip… hehe… at akin na lang un…

Ang first chapter ng book na sinusulat ko ngaung College…

December 21st, 2008 by portyir05-eyesjay

Hello sa lahat ng aking masugid na taga-basa… di ba sinabi ko before na i`m planning to write a book ngaung college… well, nagsusulat naman talaga ako ngaun. Ilang beses ko pinag-isipan kung ipo-post ko ba dito sa friendster ung first chapter dahil baka di siya magustuhan ng mga babasa at baka maging sanhi iyon upang di tapusin ang librong sinusulat ko… pero may friend ako na nagpa-realize sa akin na dapat kong ipabasa ung first chapter so that pwede kong i-improve ung style of writing ko, sa pamamagitan ng mga comments ng mga makakabasa… hehehe… so I encourage you to post your constructive comments regarding the first chapter of my book, ok lang maging harsh or sumthing, kanya kanya naman kasi tayong panlasa sa mga nababasa natin. Ang naisip ko nga palang title ay `The Visible Hands of Pinoy Economics` Tunog serious ba? Ahaha… akala mo lang yan… basahin mo nalang ung first chapter… sa mga mahilig mag plagarized diyan… utang na loob, wag muna ngaun… saka na pag sumikat… ahaha… (asa pa) Anyway, enjoy reading this article… God Bless you!

(PS. the title of the first chapter is DEPAYN IKANAMIKS)

Pagkinuha mo o pinili mo ang librong ito sa bookshelf, tatlo lang siguro ang maaaring maging rason. Una, certified ekonomista ka at intresado kang malaman kung sino mang hunghang ang nagsulat ng isang tagalog na libro tungkol sa linya ng ekonomika. Pangalawa, estudyante ka ng kursong B.S. Economics na masyadong nagmamagaling sa linya ng ekonomika at saka mo ipagmamalaki sa mga tao na kaunti lang kayong nakaka-appreciate ng ganitong libro. At ang panghuli at most probably maging rason ay sinaniban ka ng kaluluwa ni Adam Smith para sunugin mo ang librong ito na threat sa kanyang “Wealth of Nations”.

Siguro sa ngayon ay nagsisisi ka na sa pagbili ng librong ito dahil mukhang puro kayabangan at kolokohan lang ang mababasa mo dito. Kung ikaw ay may edad at pamilyadong tao, siguro ay iniisip mo na sana ay bumili ka na lamang ng ilang kilong bigas. O kung teen-ager ka naman, naiisip mong mas maliligayahan ka pang makakita ng mga naglalakihang “puto’t kutsinta” sa FHM o kaya naman ay mga nagsisigawang mga “daga” sa Cosmopolitan Magazine. Pero dahil no choice ka at nabulatlat mo na ang mga pahina nito, babasahin mo na siya ng mayroong sama ng loob. At ngayon siguro ay naiirita ka na dahil sa pagiging sobrang assuming ng author. Sorry naman… ekonomista kasi ako.

Sa totoo lang, hindi ko naman intensiyon na magsulat ng isang teknikal na libro tungkol sa ekonomika o maging sa ekonomiya ng pilipinas. Hindi mo nga kinakailangan ng teknikal na kaalaman para maintindihan ang librong ito. Siguro, kailangan mo lang ng tamang talent sa pagbabasa at kaunting interest sa mga nangyayari sa iyong paligid. Pero bago pa humaba ang ating usapan sa kung anu anu, malinaw na ba talaga sayo ang ibig sabihin ng Economics?

Ang Economics

(Hango sa tunay na buhay)

Kapit-bahay:Totoy, saan ka mag-aaral ng College?

Totoy:Sa U.P. po.

Kapit-bahay:Eh anu namang kurso ang kukunin mo dun?

Totoy:B.S. Economics po!

Kapit-bahay:Economics? Hindi ba pambabae un?

Totoy:Hindi po… bakit niyo po naman nasabi?

Kapit-bahay:E di ba yun ung pagluluto, pananahi ng Apron at Pagko-cross-stitch?

(And the rest was history)

Kung naniniwala ka kay kapit-bahay sa itaas… maari mo ng tignan ang iyong sarili sa salamin at suriing mabuti ang hugis ng iyong mukha. Maari kang yumaman pag napatunayan mong ikaw na lamang ang nabubuhay na Homo-erectus sa mundong ibabaw.

Basic Definitions of Economics

(ayon sa iba pang “homo erectus”)

üKurso ng mga mayayaman at Konyo

üKurso para maging presidente ng Pilipinas

üKurso para sa mga may nunal sa mukha

üKurso ng mga mukhang pera

üKurso para maging endorser ng sabong panlaba

üPag-aaral ng pagbuburda, pananahi at kahit anong ginagamitan ng karayom, sinulid at iba pa.

üPag-aaral ng pagpapalaki ng mga naglulusugang baboy, baka, kalabaw at kambing.

üPag-aaral tungkol sa market… in tagalog… palengke.

Ano nga ba talaga ang Economics?

-Isa itong linya ng pag-aaral na nangangailangan ng matindi-tinding talento sa pambobola at panghuhulang hindi kanakailangang gamitan ng bolang Kristal. Ito rin ang disiplinang bagay na bagay sa mga taong may mild schizophrenia dahil sa kakayahan nilang makakita ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ng pinaka-normal na tao.

Ano nga ba ang isang Economist?

- Isang nilalang na marunong gumawa ng sari-saring kwento tungkol sa mga graph na parang wala namang saysay sa mata ng kahit sinong kilalang pintor. Sadyang na-master na rin ng mga taong ganito ang art ng pag-aasume dahil iikot ang mundo nila sa mga assumptions na hindi naman nila alam kung paano naimbento. Marami rin silang kuru-kuro mula sa pagtaas ng presyo ng langis hanggang sa pagtaas ng presyo ng isaw baboy o manok. Nagpapanggap din na worried pagbumababa o tumataas ang exchange rate. Suki rin sila ng business page ng mga broadsheets. Sumasama ang loob sa pagbaba ng stocks ng San Miguel at iba pang sikat na kumpanya subalit hindi naman sila stock holder. Nag-aaral rin sila ng mga teyoryang nakakahilo pero hindi naman nag-eexist sa tunay na buhay. Sila lang ang mga nilalang na dinadamdam ang konsepto ng opportunity cost.

Kung mayroon ng sumisirit na dugo sa ilong mo sa simula pa lamang ng librong ito, hanapin lamang sa internet ang first aid sa balinguyngoy. Kung walang internet connection, tapalan mo na lamang yan ng sanitary napkin with wings, maari rin namang gamitin ang binilog na bulak, Kung nagtitipid ka, ipitin ang iyong ilong gamit ang iyong hinlalaki at hintuturo. Kung di pa rin humihinto ang pagdurugo, itigil ang pagbabasa ng libro ito.

Salamat sa pagbasa…

repeat until fade…

November 16th, 2008 by portyir05-eyesjay

Sabi ko nga sa mga dating blog entries ko… Ok lang magkamali ng una o kaya pangalawang beses… pero kung paulit-ulit na ang pagkakamaling iyon, maari mo na talagang tanungin ang sarili mo kung tao ka pa nga ba. Naiinis lang ako kasi may mga bagay akong natutunan sa nakaraan… at nakita ko na rin ang mga posibleng mangyari pero ipinagpatuloy ko pa rin dahil sa kagustuhan ng ibang tao. Di ko siguro masisisi kung positibo sila sa mga bagay-bagay… minsan tuloy napapaisip ako kung nagiging realistic lang ba talaga ako? O baka pessimistic na ako. Masama bang tignan ang mga bagay sa mas long term na paraan? Hay nalilito na tuloy ako kung anu ba talaga ang tama… di ko tuloy alam kung nasa tamang katinuan pa ako. Ngayon, may mga bagay akong pinagsisisihan na pinasok ko… dahil na naman sa mga pag-eexpect at sa pag-asang may matutunan akong bago. Pero mukhang nagkamali na naman ako. Pero posible rin namang baka sarado lang talaga ang isip ko sa konsepto ng cramming. Pero gaya ng kahit anung pagkakamali… bawal ko na tong talikuran… sige lang… tapusin ang mga bagay na nasimulan na… pero sana maging handa ako sa kalalabasan niya. Sana sa ngayon, maipangako ko sa sarili kong, hindi ako malulungkot kung anu man ang mangyari sa araw na iyon.

 

 

(hay… nag-blog na lang ako at wala kasing maka-intindi sa akin… buti na lang ang blog di umaangal sa mga pinagsasabi ko kahit non-sense… ahaha)

no comment…

October 8th, 2008 by portyir05-eyesjay

minsan talaga may mga bagay na sana hindi mo na lang nalaman kasi mababahala ka lang na parang tanga… hindi ko pa alam kung anung dapat kong maging reaksiyon… kelangan ko bang matawa? o kailangan kong mairita? siguro ang dapat niyang munang gawin ay alamin kung anu ba talaga ang gusto niya ng sumaya na siya sa buhay niya… hindi yung pinagpipilitan ang mga bagay na hindi naman pala totoo… nakakaawang mga nilalang… sana maisalba siya ng katotohanan bago pa mahuli ang lahat… masakit sa ulo ang post na ito lalo na kung wala kang alam… :)

kakaibang radar…

June 15th, 2008 by portyir05-eyesjay

ang galing talaga ng mga bagay-bagay… may mga bagay talaga na hindi maeexplain ng kahit anung uri ng science pero nangyayari sa tunay na buhay…

yup… tama kayo… malungkot nga talaga ako… kung baga sa isang problem set… undefined ang sagot… kahit alam kong un lang ang kelangan kong isulat sa blue book… nandun pa rin ang katanungang… bakit undefined? ang sakit sa ulo… hindi nga lang sa ulo… sa lahat ng parte ng katawan na siguro… (apdo, bituka etc…)

ang galing talaga ng mga taong kilala ka na… alam nilang malungkot ka… at nakakatuwa kasi kahit di mo sinasabi… alam nila… alam nila na may bago sa pagtawa mo, sa paglakad mo pati sa paghinga mo… pero dahil kilala nga nila ako… sawang-sawa na silang marinig ang napaka standard kong sagot na "ok lang ako, ako pa… magaling ata ang intrapersonal skills ko!".

natutuwa ako kasi may mga taong ganun… kahit alam nilang daig ko pa ang tahong na di pa napapakuluan sa pagkakasara… nangangahas pa rin silang magtanong… maki-alam at mangamusta… kahit na alam nilang wala silang mapapala kundi ang nakakasawa kong sagot…

kung meron man akong hindi mabago sa sarili ko… un ang pag-sosolo ng problema… kaya siguro para akong si Atlas pag nakikita mo… parang wala ng bukas… di ko kasi talagang ugaling mangulo, at dumagdag pa sa gulo ng buhay ng ibang tao…

basta… isa lang ang gusto kong sabihin sa inyo… wag kayong mag-alala sa akin… normal sa taong malungkot paminsan-minsan… hangga’t kaya kong pasanin ang mundo ko… gagawin ko yon ng buong tibay…

sabi ko nga noon… mahirap ang laro ng buhay… pero kung aalisin ng Diyos ang lahat ng hirap na iyon… mawawala ang excitement ng larong nag-aangat sa atin sa lahat ng uri ng hayop…

amen…

from writing to economics, and from economics to economic writing

June 10th, 2008 by portyir05-eyesjay

dahil ayoko magthesis… (joke lang) magsusulat na lang ako ng libro… ahaha…

trade off

January 27th, 2008 by portyir05-eyesjay

man of responsibility… mahirap…. napakahirap… may mga araw na parang helpless at hopeless ka na sa mga bagay bagay… pero hindi mo kayang bitawan basta basta ang responsibilidad kasi… ayaw mo naman isakripisyo ang tiwala sa iyo. Ang responsibilidad… di mo lang siya makikita sa Org or sa Academics… pedeng sa pamilya, pede rin sa sarili mo… its your responsibility to make sound choices para hindi ka magsisi sa huli. Meron ka ding responsibility sa ibang tao, syempre… di lang naman puro sarili mo ang iniisip mo… dapat ung mga personal gains mo ay di naman to the expense of the welfare na ibang tao. Minsan, we have to choose choices na mahirap… nakakabaliw… nakakasakit sa sarili… pero in the end… marerealize mo… mas maraming nag-better off. Sabi nila… tanga lang daw gumagawa nun… haha… so count me in… isa ako sa kanila. Di ko kasi maisip ang sarili ko na gawin ang isang bagay na nakapagpapasaya sa akin… pero parang dinadaga naman ako ng kunsensiya ko. At least ako… sanay ako sa malungkot na sitwasiyon…. wala akong suicidal tendency… i can endure pain… i can… and i should…
happiness is a choice… alam ko un… pero kaya ko namang maging masaya sa ibang paraan…

sa ngayon… ang kelangan ko lang gawin ay i-refresh at mapag-aralang muli ang art ng pagiging manhid at pagiging mabuting kaibigan… tiyak… walang kahit isang luhang kasing laki ng atom na papatak… buti nalang… di ako marunong umiyak… ikakain ko na lang… ahaha…

"lahat ng bagay kayang hintayin… wag ka lang mainip…"

economic writer…

January 10th, 2008 by portyir05-eyesjay

ngaun… mahal ko na course ko… pero bakit lagi ko iniisip na magsulat… ahaha… may puwang pa ba ang mundo ng pagsusulat para sa akin? maka-gawa nga ng sarili kong libro… abangan niyo… papantayan ko si dornbusch at mishkin… ahaha… (mangarap ka!?)